^

PSN Palaro

Air21 import bagsak sa drug testing, pinauwi na

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Bukod sa pagbagsak sa drug testing, hindi rin ang tipo ng isang import ang na­kikita ng Air21 kay Jajuan Smith para sa darating na 2010-2011 PBA Commissioner’s Cup na nakatakda sa Pebrero 18.

Sa 89-109 kabiguan ng Express sa Derby Ace Llamados sa kanilang tune-up game kahapon, umiskor si Smith ng 11 points at hindi na nakaporma sa kabuuan ng fourth quarter.

“Papalitan namin. We ha­ve several choices. We will be making decision agad,” wika ni team ma­nager Allan Gregorio kay Smith, naglaro para sa Tulsa 66ers sa National Basketball Development League (NBDL) kung saan siya nagtala ng mga avera­ges na 9.7 points, 3.3 rebounds at 2.3 assists.

Ang 6-foot-1 15/16 na produkto ng University of Tennessee, pinakamaliit sa hanay ng mga PBA im­­ports, ay nakitaan ng ‘tra­ces of marijuana’ para sa kanyang drug test require­ment mula sa Games and Amusement Board (GAB).

Ang GAB ang nagbibi­gay ng lisensya sa lahat ng professional sports sa bansa.

Ayon kay Gregorio, hin­di na rin nila mahihintay ang paglilinis ni Smith sa kanyang sistema sa loob ng dalawang linggo kagaya ng direktiba ng GAB.

“It’s a short conference so we don’t want to risk wai­ting for him to get a li­cen­se anymore even if he passes the second test,” ani Gregorio.

Unang makakaharap ng Air21 ang San Miguel sa Pebrero 25 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nauna nang pinauwi ng Alaska si Eddie Basden nang hindi makapasa sa 6’4 height limit para sa mga imports. Si Basden ay pinalitan na ni 6’3 5/8 Larry Deme­trius “LD” Williams.

Ang iba pang reinforcements na ipaparada ng ka­nilang mga koponan ay sina Nathan Brumfield (6’3) ng Ginebra, Paul Harris (6’3 3/8) ng Talk ‘N Text, Russell Carter (6’3 3/4) ng Powerade, Hassan Adams (6’3 5/16) ng Rain or Shine, Robert Brown (6’2 5/16) ng Derby Ace at Ira Brown (6’4) ng San Miguel.

ALLAN GREGORIO

ANTIPOLO CITY

DERBY ACE

DERBY ACE LLAMADOS

EDDIE BASDEN

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

GREGORIO

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with