MOSCOW, Russia--Matapos matalo sa second round, nakipag-draw naman si Filipino GM Wesley So kay GM Vasily Papin ng Russia sa third round ng Aeroflot Open chess championship dito sa Hotel Gamma-Delta.
Nagkasundo sina So at Papin na maghati sa puntos matapos ang 22 moves ng Slav defense.
Nagmula ang 17-anyos na si So sa isang second-round loss kay GM Anton Shomoev ng Russia bago makipag-draw kay Papin.
Ang 15th-seeded na si So ay dalawang puntos ang agwat kay defending champion at perennial Southeast Asian rival GM Le Quang Liem ng Vietnam at sa ilalim ni top seed GM Gata Kamsky ng United States.
Nakatakdang harapin ni So si GM Zhou Weiqi ng China sa fourth round.
Si Zhou, isa sa walong Chinese players na kasali sa 86-player field, ay natalo kay GM Boris Grachev ng Russia sa third round.