^

PSN Palaro

So, Russian GM nagkasundo sa draw

-

MOSCOW, Russia--Matapos matalo sa second round, nakipag-draw naman si Filipino GM Wesley So kay GM Vasily Papin ng Russia sa third round ng Aeroflot Open chess cham­pionship dito sa Hotel Gamma-Delta.

Nagkasundo sina So at Papin na maghati sa puntos matapos ang 22 moves ng Slav defense.

Nagmula ang 17-anyos na si So sa isang second-round loss kay GM Anton Shomoev ng Russia bago makipag-draw kay Papin.

Ang 15th-seeded na si So ay dalawang puntos ang agwat kay defen­ding champion at perennial Southeast Asian rival GM Le Quang Liem ng Viet­nam at sa ilalim ni top seed GM Gata Kamsky ng United States.

Nakatakdang harapin ni So si GM Zhou Weiqi ng China sa fourth round.

Si Zhou, isa sa walong Chinese players na kasali sa 86-player field, ay natalo kay GM Boris Grachev ng Russia sa third round. 

BORIS GRACHEV

GATA KAMSKY

HOTEL GAMMA-DELTA

LE QUANG LIEM

PAPIN

SI ZHOU

SOUTHEAST ASIAN

UNITED STATES

VASILY PAPIN

WESLEY SO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with