^

PSN Palaro

Alas 'di na paaabutin sa Game 3 ang kanilang title series ng Slammers

- AT -

MANILA, Philippines –  Maging consistent mula sa simula hanggang matapos ang laban ang nais na makita ni coach Louie Alas sa Philippine Patriots sa pag­bangga nila sa malakas ding Chang Thailand Slammers sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Finals na sisimulan bukas sa Bangkok.

“Sa isang maigsing title series, walang puwang ang magkaroon ng pagkakamali sa anumang parte ng laro. Kaya kailangang ma­ging consistent kami mula simula hanggang matapos ang labanan,” wika ni Alas.

Lumipad kahapon ang koponang pag-aari nina Dr. Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco patungong Thailand at ngayon ay ina­asahang sasalang pa sa matinding pagsasanay para matiyak na nasa kondisyon ang manlalaro nito pagpasok sa Game One sa best- of-three finals series.

Hindi nakasama ng Pa­triots ang 6’7 Fil-Am na si Alex Crisano matapos ma­nakit ang kanyang kanang sakong matapos ang practice nitong Miyerkules.

Kulang man ng isang malaking manlalaro, tiwala naman si Alas na dagdag hamon ito sa kanyang locals para mas iangat pa ang antas ng paglalaro at hiyain ang Slammers sa sa­riling homecourt.

Lamang ang koponang pinamumunuan ni ex- Patriots import Jason Dixon sa head to head sa elims matapos kunin ang 2-1 karta.

Pero iba ang Playoffs at naipakita ng Patriots na kaya pa rin nilang madomina uli ang ligang kinatatampukan ng anim na koponan matapos walisin ang KL Dragons sa semifinals.

Sina Egay Billones, Benedict Fernandez, Warren Ybanez at Jun Jun Cabatu ang mga manlalarong inaasahang tutulong sa mga imports na sina Gabe Freeman at Steve Thomas.

“Their (imports) leadership skills are evident on the court, they’re the ones coaxing their teammates to exert more effort,” ani team manager Erick Arejola.

ALEX CRISANO

BASKETBALL LEAGUE

BENEDICT FERNANDEZ

CHANG THAILAND SLAMMERS

DR. MIKEE ROMERO

ERICK AREJOLA

GABE FREEMAN

GAME ONE

JASON DIXON

JUN JUN CABATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with