^

PSN Palaro

'Di tatagal ang laban: Magtatapos sa knockout, pero ako ang mananalo - Shane

- Ni AC -

MANILA, Philippines –  BEVERLY HILLS - Ang inisyal na prediksyon ni Shane Mosley ay hindi mag­tatagal ang kanilang laban ni Manny Pacquiao.

“This is the type of fight that doesn’t last the distan­ce,” wika ng 39-years-old American sa pagsisimula kahapon ng isang four-city, six-day press tour para sa kanilang May 7 fight ng 32-anyos na si Pacquiao.

Pinapili si Mosley kung anong round matatapos ang kanilang laban ni Pacquiao. Tumingin siya sa kisame.

“What round? Oh, I don’t know. But I don’t think it’s going the distance,” wika ni Mosley.

Kahit sa anong round matapos, sinabi ng dating world champion na magwa­wakas ito sa pamamagitan ng isang knockout.

Ngunit tiniyak niyang siya ang mananalo at magi­ging bagong WBO welterweight champion.

Iginiit ni Mosley na ang istilo ang gumagawa ng la­ban. At ang agresibong atake ni Pacquiao ang papabor sa kanyang kilos.

“He throws a lot of punches, and this will lead openings for me. It’s the way I move, the way I throw my punches. It’s natural. It’s not the African-American style that will beat him. It’s my style,” sabi niya.

 Kaagad na naputol ang interview nang tawagin si Pacquiao sa stage.

“Here he is,” sabi ni Bob Arum. “The champion, Manny Pacquiao.”

“It’s the Beatles hairstyle,” sagot ni Pacquiao sa kanyang hairstyle.

AFRICAN-AMERICAN

BOB ARUM

BUT I

IGINIIT

KAAGAD

MOSLEY

PACQUIAO

SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with