^

PSN Palaro

P-Noy kinilala ang SCOOP sa pagbibigay parangal sa 100 atleta

-

MANILA, Philippines - Kinilala ni Pangulong Be­nigno “Noynoy” Aquino III ang gagawing paggawad ng parangal ng Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) sa 100 pinakamahuhusay na Filipino athletes bilang paggunita sa ika-100 taon ng organized sports sa bansa.

“By giving due recognition to the great athletes in your roster, you celebrate their dedication and inspi­ring vigor, as well as their significance in the history of Philippine sports,” wika ng Chief Executive na ipi­nadala sa SCOOP sa pam­amagitan ni assistant executive secretary at pinuno ng Malacañang’s correspondent office John Michael Co.

Ang grupo na pinamumunuan ni Eddie Ali­nea ay maggagawad ng SCOOP’s Century Sports Awards na katatampukan ng pagpaparangal din ng Greatest Filipino Athletes of the Century mula sa 100 atletang pararangalan sa Awards Night sa Mayo 25.

“I commend you for your efforts to enshrine the legacy of our athletes, who count among our modern day heroes, for they have contributed much to our country’s glory,” wika pa ng Pangulo.

May 100 manlalaro na nagbigay ng karanga­lan sa bansa mula pa sa kapa­nahunan ng Phlippine Ama­teur Athletic Federation (PAAF) noong 1911 hanggang sa kapanahunan ni Pambansang kamao Manny Pacquiao, ang siyang pagpipilian kung sino sa kanila ang lalabas na Greatest Filipino Athletes of the Century.

Ang mga bumubuo sa SCOOP’s Council of Lea­ders bukod pa sa mga sports editors ang pipili sa 100 pinakamahuhusay na manlalaro ng bansa.

ATHLETIC FEDERATION

AWARDS NIGHT

CENTURY SPORTS AWARDS

CHIEF EXECUTIVE

COUNCIL OF LEA

EDDIE ALI

GREATEST FILIPINO ATHLETES OF THE CENTURY

JOHN MICHAEL CO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with