^

PSN Palaro

Salamat, Abueva magpapakinang sa pagbabalik aksyon ng PBL

-

MANILA, Philippines - Dalawang mahuhusay na collegiate stars ang mag­tatangkang bigyan ng kinang ang pagbabalik ng Philippine Basketball League sa Marso 5.

Sina Eric Salamat at Calvin Abueva ang ilan sa mga manlalarong sasabak sa aksyon sa PBL na halos napahinga ng isang taon.

Unang kaganapan na ginawa ng PBL ay ang pag­nombra kay Nolan Bernardino bilang tournament commissioner at ang draf­ting ng manlalaro nitong Martes sa Manila Hotel at sina Salamat at Abueva ay parehong kinuha ng ba­gong koponan na CafeFrance.

Pag-aari nina Dr. Johnny Yap at Dr. Ricardo de Leon, hinila rin ng koponan si Vic Manuel na isa sa mga dating sinasandalan ng Pha­rex para magkaroon na ng tibay ang kanilang binubuong koponan.

Si Salamat ay kabilang sa Grandslam team ng Ateneo at ang karanasan at winning attitude ay tiyak na makakatulong sa bagong ko­ponan.

Sasandalan naman ang 6’3 na si Abueva sa kanyang lakas sa ilalim upang may makatuwang si Manuel.

Ang iba pang manlalaro sa koponang itinalaga rin si Jefferson Plaza bilang board representative ay magmumula sa Centro Es­colar University.

Ang iba pang koponan na lumahok sa drafting ay ang Excelroof, Pharex, Cobra Energy Drink at Ani-FCA.

Mga manlalaro ng Adam­son o Mapua ang bubuo sa Excelroof habang ang Pharex ay hinugot ang 6’5” Fil-Am na si Jason Bryan Deutchman at 6’4” Jumbo Escueta ng Ateneo.

Sina FEU players Paul Sanga at Reil Cervantes ay kinuha ng Cobra.

ABUEVA

ATENEO

CALVIN ABUEVA

CENTRO ES

DR. JOHNNY YAP

DR. RICARDO

EXCELROOF

JASON BRYAN DEUTCHMAN

JEFFERSON PLAZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with