Si Montiel ang pinakamatindi kong kalaban-Donaire

MANILA, Philippines - Nagpahayag man ng respeto sa isa’t isa, hindi naman ito nangangahulugan na magpapatalbugan sina Nonito Donaire at Fernando Montiel kung paghayag ng paniniwalang kalalabasan sa kanilang title fight ang pag-uusapan.

Sa isinagawang conference call na nilahukan ng da­lawang boksingero na magtutuos sa Pebrero 19 sa Las Vegas, aminado ang Filipino challenger na pinakamatinding kalaban sa boxing career si Montiel, ang WBC at WBO bantamweight champion.

“Montiel has experience. He’s the smartest guy I ever faced,” bungad ni Donaire, ang dating IBF flyweight champion.

Pero idinugtong nito na marami na rin siyang naka­harap na mas mahusay pa kay Montiel kaya’t kumbinsidong mananalo siya at hihiranging kampeon matapos ang laban.

“I’ve faced guys much tougher than that. And I think, I’m a better strategist than Montiel is. Definitely Montiel has his strength in experience. I also have my strengths and my own advantage in height and speed,’ dagdag nito.

Hindi naman nagpatalo si Montiel na habang pinuri ang ipinakitang husay nang pinatulog ni Donaire si Vo­lodymyr Sydorenko sa huling laban ay nagpahayag na­man ng pagdududa kung magagawa nito ang ginawa kapag sila na ang nagsagupa sa ring.

“He is impress me. He looked great against Sido­renko,” wika ni Montiel.

“He obviously has a lot of speed and is an intelligent fighter. The question to me is how he’ll react when he faces a guy just as intelligent, just as strong, just as good as he is. That’s the question,” paghahamon pa ng Mexican champion.

Mas beterano sa laban si Montiel dahil sa pagkakaroon ng 48 laban at 44 rito ay kanyang ipinanalo at 34 sa pamamagitan ng knockout.

Hindi pa rin natatalo ang 31 anyos na si Montiel mula noong 2007 at dungis lamang sa sana’y 12-0 karta ay nang nakatabla si Alejandro Valdez noong Setyembre 12, 2009.

Si Donaire naman ay mayroong 25 panalo sa 26 laban kasama ang 17KO pero siya naman ay kasama sa unang limang boksingero na nasa talaan ng Ring Magazine sa hanay ng pound for pound upang masel­yuhan ang pagiging isa sa mga mahuhusay na boxers sa kapanahunang ito.

Show comments