Cavs naisahan ng Mavericks
DALLAS - Wala pang koponan sa NBA history na natalo ng magkakasunod kagaya ng Cleveland Cavaliers.
Ipinalasap ng Dallas Mavericks ang pang 25th straight loss ng Cleveland matapos kunin ang 99-96 panalo tampok ang paghugot ni Jason Terry ng 11 sa kanyang 23 points sa fourth quarter.
Ito naman ang pang siyam na sunod na panalo ng Mavericks, ang longest active streak ngayon sa NBA.
Sa Memphis, Tennessee, tumipa si Kobe Bryant ng 19 points, habang may 15 points at 11 rebounds naman si Lamar Odom upang igiya ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa 93-84 panalo kontra Memphis Grizzlies.
Nakadikit ang Grizzlies sa fourth quarter subalit sinamantala naman ng Lakers ang limang turnovers ng Memphis para pakawalan ang isang 11-0 run at kunin ang 89-76 lead.
Sa Charlotte, North Carolina, nagtala si Ge-rald Wallace ng 19 points, kasama rito ang dalawang freethrows sa huling 0.3 segundo, para igiya ang Charlotte Bobcats sa 94-89 paggupo sa Boston Celtics.
Nagdagdag si Shaun Livingston ng season-high 18 points para sa Bobcats, habang isinalpak naman ni Eduardo Najera ang isang krusyal na 3-pointer.
- Latest
- Trending