Celtics pinayuko ang Magic; L.A. Clippers napaso sa Heat

BOSTON, Massachusetts-- Pinayuko ng Boston ang Eastern Conference rivals na Orlando Magic, 91-80 nitong Linggo kung saan ipinagpatuloy ni Celtics’ Ray Allen ang paglapit niya para sa NBA record para sa three-point shots.

Isinalpak ni Allen ang dalawa mula sa kanyang tatlong tangka upang lumapit ng tatlong puntos para makatabla sa league record na 2,560 na inilista ni Miller.

 Magkakaroon ng tsansa si Allen na madagdagan ang kanyang kabuuang 2,557 puntos sa pagbisita ng Celtics sa Charlotte sa Lunes.

Sa Miami, kumana si Dwyane Wade ng 28 puntos, walong rebounds at walong assists nang talunin ng Miami ang Los Angeles Clippers, 97-79 at palawigin ang kanilang winning streak sa anim na laro.

Nagdagdag naman si Chris Bosh ng 16 puntos kung saan kumawala ang Heat sa paglatag ng 18-4 salvo sa final canto.

Show comments