MANILA, Philippines - Inilabas ng Chang Thailand Slammers ang larong naghatid sa kanila sa unang puwesto sa elimination para iuwi ang 73-62 panalo kontra Singapore Slingers sa Game 3 ng kanilang AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season II semifinals series kagabi sa Thai-Japan Association Gym sa Bangkok, Thailand.
Naghasik ng tig-17 puntos sina Jason Dixon at Filipino import Ardy Larong at pinangunahan ng dalawa ang mabangis na second half game para mawakasan ang best- of-three semis series sa 2-1.
Naghatid pa ng 12 rebounds, 4 assists at 4 blocks, nagbagsak si Dixon, dating import ng Philippine Patriots, ng 13 puntos sa second half para sa Slammers.
Makikipagkita si Dixon sa kanyang dating koponan na Patriots sa best-of-three title series na sisimulan sa Pebrero 13 sa Thailand.