Kenyan runners nagdomina sa Condura Skyway race

MANILA, Philippines - Nagpakitang-gilas muli ang mga Kenyans nang dominahin ang 2011 Condura Skyway Marathon sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nanguna sina Frederick Mathiu at Susan Jemutai nang walisin nila ang kompetisyon sa 42.195 kilometrong marathon race na kinatampukan ng pagdaan sa Skyway.

Si Mathiu ay naorasan ng 2:23:30 para mangi­babaw sa mga kababa­yang sina James Tallam (2:20:02) at Benjamin Kipkazi (2:29:33).

Lumabas na pinakamahusay sa hanay ng mga Filipino si National Marathon champion Eduardo Buenavista na pumang apat sa datingan sa 2:33:18 tiyempo.

Binawian naman ni Jemutai ang kababayang si Peris Poywo nang manalo sa kababaihan.

Pumangatlo lamang sa nagdaang edisyon, si Jemutai ay may 3:19:44 tiyempo upang ilagay si Poywo sa ikalawang puwesto sa 3:20:14.

Ang Cebuanang si Miscelle Gibuena ang pumangatlo sa oras na 3:21:01.

Ang top three finishers sa overall ay tumanggap ng P30,000, P20,000 at P10,000, habang sina Buenavista at Gibuena ay nagbitbit rin ng P30,000.

Sina Willy Tanui at Abraham Missos naman ang naghari sa 21K at 16K division, ayon sa pagkakasunod.

Show comments