^

PSN Palaro

Donaire Tiwalang Mananalo Kay Montiel

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Matibay ang paniniwala ni Nonito Donaire, Jr. na magiging makinang ang taong 2011 sa kanyang boxing career.

“It’s now 2011 and it’s my turn to shine,” wika ni Donaire na magtatangkang agawin ang WBC at WBO bantamweight title ni Fernando Montiel sa Pebrero 19 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Masidhi ang paghaha­ngad ni Donaire na makuha ang titulo matapos dominahin si Vic Darchinyan noong 2007 para sa IBF flyweight title.

May 25 panalo sa 26 laban at 17 knockouts, papasok si Donaire mula sa mga laban kontra sa mga mahuhusay na katunggali na sina Rafael Concepcion, Manuel Vargas, Hernan Marquez at Volodymyr Sydorenko.

Sa apat na ito, ta­nging si Concepcion lamang ang nakalusot sa knockout punch ni Donaire at sa laban niya kay Sydorenko na natapos sa apat na rounds lamang ay nakuha rin ng “Filipino Flash” ang bakanteng WBC Continental Americas bantamweight title.

Masinsinang pagsasa­nay ang ginagawa ngayon ni Donaire sa kanyang training camp sa California, USA bilang pagha­handa kay Montiel.

vuukle comment

CONTINENTAL AMERICAS

DONAIRE

FERNANDO MONTIEL

FILIPINO FLASH

HERNAN MARQUEZ

LAS VEGAS

MANDALAY BAY RESORT AND CASINO

MANUEL VARGAS

NONITO DONAIRE

RAFAEL CONCEPCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with