^

PSN Palaro

Barbosa nalo; draw naman kay Gomez

-

MOSCOW, Russia-- Piniga ni dating national junior champion IM Oliver Barbosa ang walang ranggong si Valentin Bobrov ng Russia sa kanilang se­venth-round encounter sa 2011 Moscow Open chess championship sa Russia State Social University dito noong Biyernes.

Magaang na kinuha ni Barbosa, isa sa mahu­husay na Filipino Im na patuloy pa rin sa paghaha­nap ng mailap na GM title, si Bobrov (ELO 2236), hawak ang mga puting piyesa at paangatin ang kanyang personal record sa 5.5 puntos mula sa limang panalo ang isang draw at talo sa nine-round tournament na punong abala ang Moscow Chess Federation.

 Susunod na maka­ka­sagupa ni Barbosa si GM Pavel Kotsur (ELO 2559) ng Kazakhstan sa eight at penultimate round.

Bago ang naturang pa­nalo ni Barbosa, nakipag-draw si GM John Paul Gomez sa mas mababang ranking na si Vassily Ivanov ng Russia sa kabila na naglaro ang Pinoy woodpu­sher na hawak ang mga pu­ting piyesa.

Gaya ni Barbosa taglay ni Gomez ang 5.5 puntos mula sa limang panalo, isang draw at talo.

Ang dalawang Filipino pla­yers ay tumabla mula sa 14th hanggang 40th pla­ces.

Base sa Buccholz tiebreak scores, hawak ni Go­mez ang 25th puwesto at nasa 40th posisyon naman si Barbosa.

BARBOSA

FILIPINO IM

JOHN PAUL GOMEZ

MOSCOW CHESS FEDERATION

MOSCOW OPEN

OLIVER BARBOSA

PAVEL KOTSUR

RUSSIA STATE SOCIAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with