Tigers vs Express game highlight sa inagurasyon ng bagong Custom gym

MANILA, Philippines - Itatampok sa pagdiriwang ng 109th founding anniversary ng Bureau of Customs ngayong araw ang pagpapasinaya sa new­ly renovated multi-pur­pose gym at isang exhibition game ng Air21 at Powerade.

 Ito ang inihayag ni Customs Commissioner Angelito A. Alvarez matapos pumayag ang Express at Tigers na maglaro sa harap ng mga Customs emplo­yees, officials at guests.

Nakatakda ang laro sa ganap na alas-8:30 ng umaga. Pangungunahan ni Finance Sec. Cesar Purisima ang mga special guests ng BOC sa natu­rang day-long festivities na sasahugan ng fun run at isang thanksgiving mass.

Ang Customs gym­nasium ay isang state-of-the-art multi-purpose sports edifice na may wooden flooring, electronic scoreboards at professional-lea­gue standard basketball rings.

 Maaari na ring laruin ang mga volleyball at badminton sa loob ng arena.

Show comments