^

PSN Palaro

Si Mayweather mismo ang dapat na maghamon - Arum

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Kay Floyd Mayweather Jr. na dapat mismo mangga­ling kung nais niyang makalaban si Manny Pacquiao.

 Ito ang sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum sa USA Today kasabay ng pagpapabulaanan na walang naganap na negosasyon noong nakaraang taon para sa nais ng lahat na maglaban sina Mayweather at Pac­quiao.

Lumabas si Mayweather at sa isang panayam ay sinabi niyang walang nangyaring usapin patungkol sa nasabing mega fight matapos kumulapso ang unang plano na pagtagpuin ang dalawang mainit na boksingero sa kapanahunang ito.

Idinagdag pa ni Mayweather na hindi kinausap ng sinuman ang pinagkakatiwalaan niyang si Al Haymon da­hil wala umanong nasasabi sa kanya ito patungkol sa pagbabalik ng negosasyon sa mega fight.

 “We not only reach out, we had a full negotiation with (HBO Sports President) Ross Greenburg being he intermediary with Al Haymon back before the Margarito Fight,” wika ni Arum.

 Mismong si Greenburg noon ang nagkumpirma na siya nga ang ginamit na tulay ni Arum para makausap ang kampo ni Mayweather pero nauwi sa wala ang lahat ng ito dahil hindi tumugon ang walang talong dating pound for pound champion.

Banas na si Arum sa iniaarte ni Mayweather lalo na kung ang pagharap sa kasalukuyang pound for pound at 8-division world champion na si Pacquiao ang pag-uusapan kaya’t nais niya ngayon na mismong si Mayweather na ang magsabi kung kailan niya nais makaharap ang Pambansang kamao bago ito kikilos para maganap ang laban.

Si Pacquiao ay nakatakdang labanan si Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena at sinasabing handa pa siyang lumaban sa loob ng anim na fights bago tuluyang magretiro.

AL HAYMON

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

MARGARITO FIGHT

MAYWEATHER

ROSS GREENBURG

SI PACQUIAO

SPORTS PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with