^

PSN Palaro

Kawawa ang mga siklista

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Masalimuot ang pangyayari sa mga panahong ito sa Philippine Cyling o PhilCycling. Tila wala ring masulingan ang ating mga siklista na kung tutuusin ay damay lamang sa pag-aagawan sa kapangyarihan ng dalawang organisasyon na parehong sinasabi na ‘mahal nila ang cycling.’

Ilang buwan nang naghahatakan sina Abraham Tolentino na rekognisado ng International Cycling Union (ICU) at Dr. Philip Ella Juico na kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC). Hanggang ngayon ay wala pang sagot kung sino sa dalawa ang dapat na mamumuno sa PhilCycling Dahil nga sa kaguluhang ito, ipinatigil ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buwanang allo­wances ng national training pool members habang hindi pa nareresolbahan ang gusot sa liderato ng dalawang nagbabangayang grupo sa cycling.

Inilabas ng PSC board noong Enero 21 ang Resolution No. 0252011, na pinipigil ng PSC ang monthly allowances ng national cyclists epektibo January 31 hanggang sa ‘di nagkakaisa ang magkakaaway na pangkat nina Tolentino at Juico.

Sa pangyayaring ito, sino kaya ang tunay na apektado. Si Tolentino o si Juico na kapwa isinisigaw na may malasakit sila sa sports at sa cycling, o ang mga siklista na ang tanging hangad ay mabigyan ng karangalan ang bansa sa paraang alam nila.

Isa na sa siguradong apektado ay ang premyadong Filipina cyclists na si Marites Bitbit na tumatanggap ng P10,000 monthly allowances sa PSC. Ayon kay Bitbit, malaking kawalan sa kanila ang allowance na ibinibigay ng PSC lalo na sa kanilang paghahanda sa mga internasyunal na kompetisyon.

Bukod sa pagtanggal ng allowance, ang hakbang ng PSC ay nangangahulugan lamang ng pagpapadala na lang ng token delegation ng PhilCycling sa Asian Cycling Championships sa Thailand sa Pebrero 7-19. Ibig sabihin, naglahong parang bula ang pag-asa ng mga atleta na makasama sa itinuturing na pinakamalaking kompetisyon ng cycling sa asya.

Mas makakabuti na ituloy ang allowance ng mga siklista, pati na ang programa ng cycling. Ang bangayan nina Juico at Tolentino ay nararapat na resolbahin na hindi madadamay ang mga siklista. Nakikita kasi ng marami na nagpapalitan ng maanghang na salita ang dalawang kampo, maging ang PSC ay gayundin, pero sino ba ang lumalabas na kawawa dito--ang mga siklista.

Panawagan natin sa PSC, kanselahin muna ang resolusyon na nagtatanggal ng allowance ng mga atleta at sumususpindi sa mga programa ng cycling. Resolbahin ang sigalot sa liderato ng cycling sa maayos na paraan. Madadaan naman lahat sa magandang usapan.

Isipin natin na ang mga sakripisyong ginagawa ng mga siklista sa tuwing sila ay sasabak sa mga kompetisyon. Itabi muna natin ang pansariling interes. Ano ang masasabi n’yo rito, Mr. Tolentino at Mr. Juico?

ABRAHAM TOLENTINO

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIPS

CYCLING

DR. PHILIP ELLA JUICO

INTERNATIONAL CYCLING UNION

JUICO

PSC

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with