^

PSN Palaro

Slingers, Slammers tabla sa 1-1

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagsanib sa 60 puntos ang mga Filipino imports na sina Leo Avenido at Al Vergara para igiya ang Singa­pore Slingers sa 90-76 pa­nalo sa Chang Thailand Slammers sa Game Two ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) semifinals nitong Martes sa Singapore Indoor Arena.

 May 31 puntos si Ave­nido habang 29 naman ang ibinigay ni Vergara at siya ang kumamada nang husto nang lumayo ang Sli­ngers sa Slammers para itabla ang kanilang best-of- three series sa 1-1 karta.

Sa ikatlong yugto nagbaga ang kamay ni Vergara nang maghatid ito ng 13 pun­tos upang mapagni­ngas ang 22-10 bomba para ilayo sa 62-45 ang ho­me team sa bisita papasok sa huling yugto.

Si Kyle Jeffers ay mayroong 13 puntos, 20 rebounds, 4 assists at 5 steals habang 13 puntos din ang ibinigay ni Marcus Skinner.

May double-double na 19 puntos at 14 boards si Jason Dixon pero 12 puntos lamang ang ibinigay ng kapartner na si Chris Kuete na ininda ng Slammers.

Babalik naman sa Thailand ang deciding Game Three sa Pebrero 6 na kung saan ang mananalo sa larong ito ang makakaharap ng nagdedepensang Philippine Patriots sa best- of-three finals na sisimulan sa Pebrero 13.

vuukle comment

AL VERGARA

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS KUETE

GAME THREE

GAME TWO

JASON DIXON

LEO AVENIDO

MARCUS SKINNER

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with