^

PSN Palaro

'Wag idamay ang mga atleta'--Tolentino sa PSC

-

MANILA, Philippines -  Sa kanyang pag-upo bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), nangako si Richie Garcia na solidong suporta ang kanyang ibibigay sa mga national athletes.

Ngunit kahapon sa ling­guhang PSA sports forum sa Shakey’s sa U.N. Ave­nue, Manila, hiniling ni Integrated Cycling Fede­ration of the Philippines (ICFP) president Bambol Tolentino kay Garcia na huwag idamay ang kanyang mga atleta sa kasalukuyang agawan nila sa liderato ni Philippine Integrated Cycling Federation (PhilCycling) chief Philip Ella Juico.

Sa kanilang Board Reso­lution No. 025, pinutol ng PSC ang monthly allowances ng mga national cyclists at coaches simula noong Enero 31 hanggat hindi nareresolbahan ang leadership issue sa pagitan nina Tolentino at Juico, dating chairman ng komisyon.

“The PSC was crea­ted for the athletes and should be pro-athletes and pro-sports development. Huwag naman po natin ida­may ang mga atleta at coaches sa issue ng lea­dership sa cycling,” apela ni Tolentino kay Garcia. 

Si lady rider Maritess Bitbit ay tumatanggap ng monthly allowance na P10,000, habang ang ibang national cyclists ay nakakakuha ng P6,000 at P15,000 naman ang mga coaches.

Si Tolentino, ang kasalukuyang Mayor ng Tagaytay City, ang kinikilala ng UCI (Union Cycliste Internatio­nale) bilang lehitimong pa­ngulo ng cycling association sa bansa, habang si Juico ang binasbasan ng Philippine Olympic Committee (POC).

Sa nakaraang mga lea­dership crisis sa National Sports Association (NSA), idinidirekta ng PSC sa mga national athletes ang kani­lang financial support.

BAMBOL TOLENTINO

BOARD RESO

GARCIA

INTEGRATED CYCLING FEDE

JUICO

MARITESS BITBIT

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIP ELLA JUICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with