ABAP Open dinomina ng MisOr pugs

MANILA, Philippines –  Siyam na ginto, limang silver at dalawang bronze medals ang hinablot ng Mis­Or boxers upang katampukan ang mabungang pagtayo bilang punong-abala sa torneong handog ng Amateur Boxing Asso­ciation of the Philippines (ABAP) para makatuklas ng mga bagong mukha na maaaring ipasok sa national team.

Ang mga kumuha ng ginto ay sina Carlo Paalam sa cotton weight, Raphael Jalnaiz at kapatid na si Roberto Miguel sa powder weight at mosquito weight, Reynold Lao sa light mosquito weight, Danniel Maamo Jr.sa light paperweight, Pesco Carlos Sia sa boys flyweight, Freddie Basadre sa bantamweight at Darwin Tindahan sa light weight.

Ang iba pang boksingero mula sa ibang rehiyon na nanalo ay sina kiddieweight Roi Jake Fragata ng Valencia City, vacuum weight Jiple Jay Cabrera ng Davao del Norte, antweight Danrick Sumabong ng Tagbilaran City, minimumweight Mario Marin ng Bago City, paperweight Kenneth Paul Gentallan ng Tagbilaran City, light pinweight Rence Bryan Magarce ng Davao del Norte, pin weight Michael John Bajena ng Davao del Norte, light flyweight Eumir Marcial ng Zamboanga City, flyweight Jhack Tepora ng Cebu City, light bantamweight John Vincent Moralde ng Davao City at featherweight James Palicte ng Bago City.

Show comments