Wesley nakipag-draw kay Nijboer sa 11th round
MANILA, Philippines – Hindi nasilip ni GM Wesley So ang winning line at nakuntento na makipag-draw kay GM Friso Nijboer ng Netherland sa 11th round ng 73rd Tata Steel-Cruz Group B chess championship sa De Morianne Community Center sa Wijk Ann Zee, Netherlands.
Angat sa posisyon si So sa Dutch GM dahil sa kanyang rook at knight laban sa rook ng kalaban pero hindi makuha ni So ang tamang posisyon para maipanalo ang laban matapos ang 80 moves ng King’s Indian Samash variation.
Gamit ang aktibong pag-atake ng kanyang Queen ay nagawang sirain ni So ang depensa ng kalaban pero kinapos siya ng diskarte sa endgame.
Ang tabla ni So ay ikalawang sunod para sa Filipino GM at maisulong sa 6.5 ang nakukuhang puntos sa 13-round torneo.
Dahil dito ay nananatiling tabla si So sa unang puwesto kasama nina GM Like McShane ng England, David Navara ng Czech Republic at Zahar Efimenko ng Ukraine.
Nanalo si McShane kay GM Surya Ganguly ng India, si Navara ay nangibabaw kay GM Vlad Takchiev ng France habang si Efimenko ay nakipagtabla kay GM Radek Wojtaszek ng Poland.
Iinit ang hangarin ni So na mapangunahan ang kompetisyong nilalahukan ng 14 na manlalaro ngayon sa pagbangga nito kay McShane sa 12th round.
Ang iba pang laro ay katatampukan ng pagkikita ni Efiemnko kay GM Le Quang Liem ng Vietnam at si Navara laban kay Nijboer.
- Latest
- Trending