So puntirya ang panalo vs Nijboer

WIJK AA ZEE, Nether­lands--Matapos ang rest day, sasagupain ni Filipino GM Wesley So si GM Friso Nijboer ng the Netherlands sa mahalagang 11th round ng 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championships dito sa de Morianne Community Center.

Magkasalo pa rin sa li­de­rato sina So at fourth seed GM Zahar Efimenko ng Ukraine sa magkatulad nilang 6.5 points mula sa apat na panalo, anim na draws at isang talo.

Si Efimenko, naka-draw ni So sa fourth round, ay makakaharap naman si top seed GM Radek Wo­jtaszek ng Poland.

Nakatakda ring harapin ng 17-anyos na si So sina GM Luke McShane ng England sa 12th round at Wojtaszek sa 13th and fi­nal round.

Hahawakan ni So ang puting piyesa laban kay Nijboer. Si Nijboer ang ikalawang lowest-rated participant sa nasabing 14-player, category 17 tournament mu­la sa kanyang ELO 25­84.

Tinalo na ni So si Nijboer sa Group C encounter sa Corus noong 2009.

Show comments