So puntirya ang panalo vs Nijboer
WIJK AA ZEE, Netherlands--Matapos ang rest day, sasagupain ni Filipino GM Wesley So si GM Friso Nijboer ng the Netherlands sa mahalagang 11th round ng 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championships dito sa de Morianne Community Center.
Magkasalo pa rin sa liderato sina So at fourth seed GM Zahar Efimenko ng Ukraine sa magkatulad nilang 6.5 points mula sa apat na panalo, anim na draws at isang talo.
Si Efimenko, naka-draw ni So sa fourth round, ay makakaharap naman si top seed GM Radek Wojtaszek ng Poland.
Nakatakda ring harapin ng 17-anyos na si So sina GM Luke McShane ng England sa 12th round at Wojtaszek sa 13th and final round.
Hahawakan ni So ang puting piyesa laban kay Nijboer. Si Nijboer ang ikalawang lowest-rated participant sa nasabing 14-player, category 17 tournament mula sa kanyang ELO 2584.
Tinalo na ni So si Nijboer sa Group C encounter sa Corus noong 2009.
- Latest
- Trending