Magkapatid na Jalnaiz, 3 pa kakasa sa gold
CAGAYAN de Oro City, Philippines – Pinamunuan ng mag-utol na sina Rafael at Roberto Miguel Jalnaiz ang ratsada ng mga Misamis Oriental boxers sa semifinal round ng 2011 PLDT-ABAP National Amateur Boxing Championships dito sa Misamis Oriental Provincial Capitol Garden.
Lima sa pitong amateur pugs ng MisOr ang umabante sa gold medal round para sa kabuuang 12 boksingero.
Pinahinto ng 12-anyos na si Rafael si Jay-Ar Duga-Duga ng Aglayan, Malaybalay, Bukidnon sa third round para makaabante sa finals ng Kids Division’s powder-weight class, habang umiskor naman ang 13-anyos na si Robert Miguel ng isang referee stop contest (RSC) win sa second round kay Jaye Arce Arcilla ng Mandaluyong City sa School Boy’s mosquito weight match.
Makakasama ng mga Jalnaiz sa finals sina Carlo Paalam sa Kids cotton-weight category, Harmonito de la Torre sa Jr. Boys featherweight division at Jean Vee Flores sa Youth Girls bantamweight class.
- Latest
- Trending