7 MisOr boxers susuntok sa finals
CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines - Pitong tiket ang sinuntok ng Misamis Oriental sa gold medal round matapos talunin ang kanilang mga kalaban sa semifinal round ng 2010 PLDT-Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) National Championships dito sa Misamis Oriental Provincial Capitol Garden.
Pitong MisOr fighters pa ang nagtatangka ngayong makapasok sa gold medal round.
Tanging si Remar Metuda sa Jr. Bantamweight category ang natalo sa koponan ng MisOr matapos makatikim ng 4-10 decision sa kababayang si MisOr fighter Freddie Basadre, ng Gingo-og City.
Ang iba pang nagwagi sa kanilang mga laban ay sina Reynold Lao (School Boys 36kgs), Markguil Salvaña (School Boys 44kgs), Samboy Lao (Jr. Boys 46kgs), Reymark Casas (Jr. Boys flyweight), Rufino Sumaylo (Youth Boys) 46kgs), Daryl Basadre (Youth Boys flyweight) at Janice Vallares (Youth Girls featherweight).
Nawala kay Basadre ang isang 8-1 lead at nakabangon mula sa naipataw sa kanyang two deductions at isang final round barrage ni Nico Magliquian ng Kabaka-Manila sa Youth Boys flyweight bago natapos ang laban sa 9-9.
Ngunit dahil sa mas magandang ipinakita ni Basadre kumpara kay Magliquian, nabigyan ang una ng 23-21 puntos sa jury’s tally.
- Latest
- Trending