^

PSN Palaro

Patrombon papalo sa quarters vs Morgan

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Napanatili ni Jeson Patrombon ang mahusay na pag­lalaro upang kalusin pa ang Aussie netter na si Andrew Whittington para ma­rating ang quarterfinals sa Australian Open Juniors Championship sa Melbou­r­ne Australia.

Hindi nasira ang loob ng 17-anyos tubong Iligan City nang matalo sa se­cond set at ipinakita ang pinakamabangis na porma upang hindi makapuntos ang katunggali para sa 6-4, 3-6, 6-0, tagumpay.

Ito ang ikalawang pa­nalo ni Patrombon kay Whit­tington sa dalawang pag­kikita at napatunayan ng Filipino ace na tunay ang naiuwing 6-2, 6-4, ta­gum­pay nang unang nagkaharap sa ITF/LTAT Juniors Championships noong nakaraang taon sa Thailand.

“It was a good match for me. I think my game is at a good level, it’s getting up,” wika ni Patrombon na pinataob ang ikalawang Australian netter na nakaharap sa torneo matapos pag­pa­hi­­nga­hin si Jordan Thomp­son sa unang round.

“Lahat ng paghihirap namin sa pagsasanay sa Traralgon ay nagbubu­nga ngayon sa Australian Open,” wika ng masayang coach na si Manny Tecson.

“Makikita na ngayon kay Jeson na hindi lamang siya mahusay physically pero pati sa mental side ng laro ay handa na siya,” dagdag pa ni Tecson.

Ito ang pinakamataas na naabot na ni Patrombon sa paglalaro sa Grandslam tournament mula no­ong nakaraang taon at magkakaroon siya ng pagkaka­taon na mapantayan ang pinakamataas na naabot ng isang Filipino netter kung mananalo siya sa sa quarterfinals laban kay George Morgan.

Ang fourth seed na si Morgan ng Great Britain ay nakalusot kay 14th seed Mate Delic ng Croatia.

Si Felix Barrientos ang may hawak ng pinakama­taas na pagtatapos ng isang Pinoy sa Grandslam sa mga huling dekada matapos makarating sa se­mifinals sa 1985 Wimbleton Juniors.

ANDREW WHITTINGTON

AUSTRALIAN OPEN

AUSTRALIAN OPEN JUNIORS CHAMPIONSHIP

GEORGE MORGAN

GRANDSLAM

GREAT BRITAIN

ILIGAN CITY

PATROMBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with