^

PSN Palaro

Smart Gilas papalit sa Barako Bull; PBA D-League tuloy na sa Marso

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Pinayagan na ang pag­lalaro ng Smart Gilas sa darating na reinforced conference at tuloy na ang pagbubukas ng developmental league sa Marso.

Ito ay dalawa sa ilang bagay na napagkasun­duan ng mga team owners ng Philippine Basketball Association (PBA) sa isinagawang pulong kahapon sa EDSA Shangri-La Hotel.

Ang okasyon ay dinaluhan nina Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation, Wilfred Steven Uytengsu ng Alaska Milk, Bert Lina ng Air21, JB Baylon ng Coca-Cola/Powerade, Terry Que at Raymond Yu ng Rain or Shine at Manny V. Pangi­linan ng Talk ‘N Text at Me­ralco.

Ang Smart Gilas ng Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), pinamumunuan rin ni Pangilinan, ang siyang sasalo sa maiiwang puwesto ng Barako Bull sa reinforced confe­rence sa Peb­rero 18.

Nauna nang humiling ang Photokina franchise ni George Chua sa PBA na magsusumite ng ‘leave of absence’ dahilan sa si­nasabing financial problem nito.

“Barako Bull’s request for a leave of absence in the second conference has been approved by the PBA Board and this means that Smart Gilas’ participation has also been approved,” ani PBA Commissioner Chi­to Salud. “Whether Smart Gilas continuously par­ticipate at the end of the se­cond conference or not re­mains optional.”

Natalo ang Smart Gilas ni Serbian coach Rajko Toroman sa Al Wahda ng Syria, 89-91, sa quarterfinal round ng 22nd Dubai Invitational basketball tournament.

Pinaghahandaan ng Smart Gilas ang 2011 FIBA-Asia Men’s Championship.

Ang Smart Gilas ay ma­kakakuha lamang ng parte sa Barako Bull sa gate receipts at hindi sa television at advertising revenues .

Inaprubahan rin ng mga PBA team owners ang pagdaraos ng PBA Commissioner’s Office ng D-League sa Marso na posib­leng pumalit sa Philippine Basketball League (PBL).

AL WAHDA

ALASKA MILK

ANG SMART GILAS

ASIA MEN

BARAKO BULL

BERT LINA

COMMISSIONER CHI

DUBAI INVITATIONAL

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with