^

PSN Palaro

UM dinomina ang PLP sa finals ng NAASCU volleyball

-

MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ng three-time defending champion University of Manila ang kanilang supremidad ng walisin ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasay, 25-23, 25-16, 25-13, sa pagsisimula ng NAASCU men’s volleyball tournament sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni two-time MVP Jet Bautista ang Hawks ni coach Boyet del Moro ang pagpapahirap sa Eagles sa kanilang straight set victory na sinaksihan ng malaking bilang ng mga manonood.

Tanging sa unang set lang nagawang makipagsabayan ng Eagles kung saan diniretso ng Sampaloc-based spikers ang dalawang sumunod na set upang iparamdam sa mga kalahok ang kanilang tangkang pagsikwat sa inaasam na ikaapat na sunod na kampeonato sa ligang ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

Hindi rin nagpahuli ang San Sebastian College-Cavite nang haplitin nito ang unang panalo laban sa STI College, 25-19, 25-12, 23-25, 25-23.

Sa iba pang resulta, tinalo ng New Era University ang AMA Computer University, 26-24, 25-23, 17-25, 25-20, at pinabagsak ng Centro Escolar University ang Our Lady of Fatima University, 27-25, 25-15, 22-25, 25-22.

Samantala, mainit na binuksan ng defending champion Lyceum of Subic Bay ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng korona matapos igupo ang University of Makati, 25-10, 25-12, 25-10, sa women’s side.

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

DR. JAY ADALEM

JET BAUTISTA

LYCEUM OF SUBIC BAY

MAKATI COLISEUM

NEW ERA UNIVERSITY

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

SAN SEBASTIAN COLLEGE-CAVITE

ST. CLARE COLLEGE-CALOOCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with