Wesley lider na sa Steel-Corus

WIJK AAN ZEE, Netherlands – Isinulong ni Filipino GM Wesley So ang kanyang pang apat na sunod na ratsada nang talunin si GM Wouter Spoelman ng the Netherlands sa eighth round para kunin ang solo lead sa 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championship dito sa de Morianne Community Center.

Hawak ang itim na piyesa at gamit ang Nimzo-Indian, tinalo ng 17-anyos na si So ang lower-rated Dutch player na si Spoelman matapos ang 34 moves.

Hangad ng tubong Bacoor, Cavite na makalagpas sa ELO 2700 rating at makapasok sa elite list ng Top 50 players.

“I was really hoping to win the best game prize for this round, especially after winning four in a row,” wika ni So.

Ang best game prize sa eight round ay nakuha ni top seed GM Radek Wojtaszek ng Poland na tumalo kay GM Le Quang Liem ng Vietnam sa 61 moves ng Slav.

Ang nasabing four-game winning streak ni So ang nag­bigay sa kanya ng 6.0 points mula sa apat na panalo at apat na draws .

Nasa ilalim ni So si GM Luke McShane (5.5 points) ng England na nakipag-draw kay GM Gabriel Sargissian ng Armenia kasunod sina GM Zahar Efimenko ng Ukraine, Sargissian at Wojtaszek.

Nabigo si Efimenko, huling naka-draw ni So sa fourth round, kay GM Vlad Tkachiev ng France.

Nakatakdang harapin ni So si GM Li Chao ng China sa ninth round ng nasabing torneo.

Show comments