^

PSN Palaro

So pinisak ang super GM na si Navarra

-

WIJK AAN ZEE, Net­her­lands -- Sumulong si Filipino GM Wesley So para sa kanyang ikatlong sunod na panalo matapos talunin si super GM David Navara ng Czech Republic sa 34 moves ng Neo-Gruenfeld sa seventh round ng 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championship dito sa de Morianne Community Centre.

Nauna nang binigo ng 17-anyos na si So sina GM Surya Shekhar Gangu­ly ng India at GM Laurent Fres­sinet ng France.

Ang pagkakamali ni Na­vara sa kanyangf queen move sa 31st ang siyang sinamantala ni So upang angkinin ang kanyang ikatlong dikit na tagumpay ma­tapos ang apat na sunod na draws.

Si Navara ang pang li­mang biktima ni So na kabilang sa elite ELO 2700 club. Ang mga nauna ay sina GMs Vassily Ivanchuk (ELO 2764) ng Ukraine at Gata Kamsky (ELO 2730) ng United States sa 2009 World Cup, si GM Ni Hua (ELO 2724) ng China sa 9th Asian Continental Championship sa Subic no­ong 2010 at si GM Laurent Fressinet (ELO 2707) ng France sa sixth round noong Biyernes.

Itinala ni So ang kanyang 5.0 points mula sa 3 panalo at 4 na draws at masangkot sa isang three-way tie para sa top spot kasama sina GMs Zahar Efienko ng Ukraine at Luke McShane ng Eng­land.

Sa iba pang laro, tinalo ni GM Le Quang Liem ng Vietnam si McShane at na­kipag-draw naman si GM Li Chao ng China kay Efimenko

ASIAN CONTINENTAL

CZECH REPUBLIC

DAVID NAVARA

GATA KAMSKY

LAURENT FRES

LAURENT FRESSINET

LE QUANG LIEM

LI CHAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with