^

PSN Palaro

Thrilla in Manila II niluluto ni King

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi malayong magkaroon ng malaking boxing event sa bansa na katatampukan ni Manny Pacquiao at tataguriang Thrilla in Manila Part II.

Ang nagsususog nito ay si Don King at magkakatotoo ito kung manalo rin ang alagang si Devon Alexander sa gagawing pakikipagtuos kay Timothy Bradley sa WBC light-welterweight title sa Enero 29.

Sa panayam ni King kay Len Satterfield ng Boxing Fan­house, sinabi nitong itatapon niya si Alexander lalo na kung kumbinsido ang ipapanalo nito kay Bradley.

“We’re going to be working on it. I understand exactly where we are and I will make lonesome Bob happy and he won’t be lonesome anymore,” wika ni King.

Si Pacquiao ay kakaharapin si Shane Mosley sa May 7 at kung manalo ay iniluluto na makaharap si Ricardo Mayorga kung manalo naman ito kay Mi­guel Cotto.

Kaya nga dapat ay hindi simpleng panalo kundi dominanteng tagumpay ang kunin ni Alexander sa kanyang laban para maikonsidera siya na sunod na katunggali ng Pambansang kamao.

 “Devon Alexander is a Jewel of The Nile and he will be there shining brilliantly. When he wins this fight on Jan. 29, then he will be able to stand tall and to say, ‘Let’s do it.’

“So, categorically, we will jump through a hoop to get to Manny Pacquiao. That would be another Thrilla in Manila,” pahayag pa nito.

Alam na alam ni King ang nangyari sa Thrilla in Manila I dahil siya ang promoter ng laban na nakitaan ng pagtatapat nina Muhammad Ali at Joe Frazier noong Oktubre 1, 1975 sa bagong bukas na Araneta Coliseum.

 Hindi man sinasabi kung paano gagawin at popondohan ang laban, alam ni King na kikita ito dahil sa dami ng mga panatiko ni Pacquiao bukod pa sa kakayahan nitong tumulong sa boxing promotion ngayon na isa na siyang Kongresista ng Sarangani Province .

ARANETA COLISEUM

BOXING FAN

DEVON ALEXANDER

DON KING

JEWEL OF THE NILE

JOE FRAZIER

LEN SATTERFIELD

MANILA I

THRILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with