^

PSN Palaro

PH Patriots reresbak sa Dragons sa Game 1

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Handa na ang nagdede­pensang Philippine Patriots na maipakita ang tunay ni­lang paglalaro sa pagbubukas nga­yon ng ASEAN Basketball League (ABL) Season II Playoffs.         

Mismong si coach Louie Alas ang nagsabi nito nang makitaan ng intensidad ang mga manlalaro sa gi­na­­ga­wang paghahanda sa Game One sa best-of-three semifinals series laban sa KL Dragons na gagawin ngayong alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

“Nakikita mo sa kanila na seryoso sila at nakikipag-co­operate. Alam na rin nila ang kanilang roles kaya ma­sa­sa­bi kong handa na sila sa Playoffs,” wika ni Alas.

Taglay ang home court advantage, hanap ng Patriots na maduplika ang 2-0 sweep sa Dragons na nailista no­ong nakaraang taon.

Nagdomina ang Dra­gons sa Patriots sa eliminasyon, 2-1, kaya’t marami ang nagdududa kung kaya pa ng koponang pag-a­ari nina Mikee Romero at Tony Boy Co­juangco na maisakatuparan ang ha­ngaring maging kauna-unahang koponan sa liga na makadalawang su­nod na kampeonato.

Susi ang ipakikitang depensa ng Patriots at naghanda nga ng malupit na transition defense ang koponan para pigilan ang opensa ng Dragons na tiyak na isasandal kina Nakiea Miller, Justin Leith at Filipino imports Patrick Cabahug at Rudy Lingganay.

Sina Steve Thomas at Gabe Freeman naman ang aasahan ng Patriots ngunit dapat ding matuto si Freeman na limitahan ang kanyang mga fouls upang mas ma­katulong sa end game.

Si Egay Billones ang mangunguna sa locals para sa hangaring panalo ng koponan.

BASKETBALL LEAGUE

GABE FREEMAN

GAME ONE

JUSTIN LEITH

LOUIE ALAS

MIKEE ROMERO

NAKIEA MILLER

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with