Sol Mercado, Jay-R Reyes tanggap na ang paglipat sa ibang PBA teams
MANILA, Philippines – Bagamat mabigat ang kalooban na iwanan ang Rain or Shine, kailangan pa rin nina pointguard Sol Meracdo at center Jay-R Reyes na kumilos bilang mga professional basketball player.
Ito ang sinabi kahapon ng kanilang agent/player na si Charlie Dy matapos dalhin ng Asian Coating franchise sina Mercado at Reyes sa Meralco at Air21, ayon sa pagkakasunod, mula sa isang three-team trade.
“I always tell them they should have to be professional about it kasi part talaga ‘yan ng basketball eh, iyong ma-trade ka, minsan kampante ka na sa team mo na doon ka na forever pero there’s no such thing as permanent kapag basketball player ka,” ani Dy.
Bilang kapalit ni Mercado, nakasagutan na ni dating Elasto Painters’ coach Caloy Garcia, makukuha nila mula sa Express sina Ronjay Buenafe at Ronnie Matias.
Ipinalit naman ng Rain or Shine, hahawakan ni dating Air21 mentor Yeng Guiao, si Paolo Bugia para kay Beau Belga ng Meralco.
Sangkot rin sa trade sina Eric Rodriguez ng Air21 at Reed Juntilla ng Meralco.
Makakasama ni Mercado sa Bolts ni Ryan Gregorio sina Rodriguez at Juntilla.
Makukuha ng Elasto Painters ang 2011 at 2013 first-round picks ng Express ni Bong Ramos.
- Latest
- Trending