^

PSN Palaro

Pinas kampeon sa Pony baseball

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang ma­gandang inilaro ng Pilipinas sa eliminasyon nang ta­lunin uli ang Singapore, 14-6, para kunin ang Asia Pacific Zone Pony Mustang Baseball Championship kahapon sa Vinh Yen Baseball field sa Vinh Phuc Province, Vietnam.

Di tulad sa kinuhang 13-3 panalo sa eliminasyon laban sa Singapore, napa­laban ang Little Razcals nang makaalagwa sa 5-1 ang katunggali matapos ang tatlong inning.

Pero tila nagpadehado lamang ang koponang inilahok ng Philippine Tot Baseball Federation (PTBF) dahil sa fourth inning ay agad na tinabunan ang four-runs kalamangan ng Singapore nang magpasabog sila ng 8 matitinding runs tungo sa 9-5 bentahe..

Sa pangyayari, tinapos ng Pilipinas ang apat na bansang torneo gamit ang 4-0 karta. Bukod sa Singapore ay nanalo rin ang bansa sa Vietnam, 26-3, at Indonesia, 21-16.

Ang panalo ay nagbigay karapatan din sa Pilipinas na katawanin ang Asia Pacific sa Pony Mustang World Series sa Texas sa Agosto.

Hinirang naman na Most Valuable Player ay ang pitcher na si Atong Na­tanauan.  

ASIA PACIFIC

ASIA PACIFIC ZONE PONY

ATONG NA

LITTLE RAZCALS

MOST VALUABLE PLAYER

MUSTANG BASEBALL CHAMPIONSHIP

PHILIPPINE TOT BASEBALL FEDERATION

PILIPINAS

PONY MUSTANG WORLD SERIES

VINH PHUC PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with