Bulls itinarak ang 3 dikit na kabiguan ng Heat

CHICAGO - Pinanood na lamang ni LeBron James sa bench ang pagkatalo ng kanyang Miami Heat sa Chicago Bulls.

Bagamat nakakuha ng magandang laro mula kay Dwyane Wade, hindi pa rin ito sapat para pigilin ng Heat ang kanilang pangatlong sunod na kabiguan sa Bulls.

Umiskor si Derrick Rose ng 34 points upang tulungan ang Bulls sa 99-96 tagumpay laban sa Heat ni Wade, tumipa ng 33 mar­kers, matapos isalpak ni Kyle Korver ang isang tres sa huling 25 segundo.

Humugot si Wade ng 12 points sa fourth quarter, kasama rito ang tatlong sunod na 3-pointers para ibigay sa Heat ang pa­ngunguna.

Nagdagdag si Miami center Chris Bosh ng 17 points.

Sa Memphis, nagpos­te si Zach Randolph ng 23 puntos at 20 rebounds upang idiskaril ng host team ang pagbabalik sa laro ni Dirk Nowitzki matapos igupo ang Dallas Ma­vericks, 89-70.

Nagbalik na sa aktibong paglalaro si Nowitzki, ang leading corer ng Mavs sa kanyang inilistang 24.1 kada laro, matapos lumi­ban ng siyam na games sanhi ng sprained sa kanyang kanang tuhod, pero gumawa lamang siya ng pitong puntos bago siya napatalsik sa laro sa third period kung saan nalimita ang Mavs sa lowest point total sa season.

Sa iba pang resulta, nanalo ang New Orleans Hornets sa Charlotte Bob­cats, 88-81; Houston Rockets sa Atlanta Hawks, 112-106; Orlando Magic sa Minnesota Timberwolves, 108-99 at Detroit Pistons sa Sacramento Kings, 110-106.

Show comments