^

PSN Palaro

Patrombon umusad sa 1st round sa Australian netfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Magandang panimula sa 2011 tennis season ang ginawa ni Jeson Patrombon nang kunin nito ang 6-4,7-5, panalo laban kay Ryota Kishi ng Japan sa pagsisimula ng Loy Yang Traralgon International sa Australia.

Naantala ang pagsisimula ng laro sa Grade I event dala ng ilan araw na pagbuhos ng malakas na ulan kaya medyo nangapa ng kaunti si Patrombon sa kanyang laro pero sapat pa rin ang ipinakita upang makaabante sa second round.

Seeded No. 8 sa kompetisyon, si Patrombon na ran­ked No. 12 na sa juniors division sa mundo, ay sunod na makakaharap si Yaraslau Shyla ng Belarus.

Umabante si Shyla sa pamamagitan ng 6-4, 7-5, pa­nalo kay US qualifier Mac Styslinger.

Lalahok din si Patrombon sa doubles at kapareha niya uli si Jaden Grinter ng New Zealand at unang aksyon nila ay kontra kina Adam Pavlasek at Lukas Vrnak sa unang round.

Ang pagsali ni Patrombon sa kompetisyong ito ay bahagi ng kanyang paghahanda para sa Australia Open Juniors na ilalarga sa Enero 23 hanggang 29.

vuukle comment

ADAM PAVLASEK

AUSTRALIA OPEN JUNIORS

GRADE I

JADEN GRINTER

JESON PATROMBON

LOY YANG TRARALGON INTERNATIONAL

LUKAS VRNAK

MAC STYSLINGER

NEW ZEALAND

PATROMBON

RYOTA KISHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with