^

PSN Palaro

2-0 sa Pinas sa Pony Asia Pacific

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Kinuha ng Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo sa idinadaos na Po­ny Baseball Mustang Division Asia-Pacific Zone Championship nang ilampaso ang host Vietnam, 26-3, na nilaro sa Vin Yen ba­seball field sa Vinh Phuc Province sa Vietnam.

Unang pumukol si Javy Limpo sa loob ng dalawang inning bago nakipagpalitan ng puwesto sa catcher ng “Little Razcals” na si Marty Ranada para sa panalo.

Ang dominateng laro ay nagbigay sa Pilipinas ng ikalawang sunod na panalo matapos ang 13-0 panalo sa Singapore sa unang araw ng kompetisyon.

Bumawi naman ang Singapore sa kabiguang ito nang talunin nila ang sinasabing malakas na koponan na Indonesia sa 12-2 iskor.

Si Justine Bieker na hindi ginamit sa laro kontra sa Pambansang koponan ang kuminang tungo sa pagtabla ng Indonesia at Singapore sa ikalawang puwesto sa 1-1 karta. Ang unang panalo ng Indonesia ay kinuha sa Vietnam sa 29-1 iskor.

Magtatapos ang single round elimination sa 10-under na apat na bansang torneo ngayon sa pagkikita ng Pilipinas at Indonesia at Singapore laban sa Vietnam.

Kailangan ng Pilipinas (2-0), na manalo sa Indonesia upang selyuhan ang pagkikita muli ng Singapore para sa kampeonato at karapatang katawanin ang Asia Pacific region sa Mustang World Series sa Texas sa Agosto.

Kung makapanggulat ang Indonesia ay magkakaroon ng three way tie sa unang puwesto sa hanay ng nasabing koponan, Pili­pinas at Singapore pero uusad pa rin ang nationals kung hindi sila matalo ng mahigit na 10 runs.

Kung mangyayari ito, ang Indonesia at Singapore ang magtutuos sa Finals.

ASIA PACIFIC

BASEBALL MUSTANG DIVISION ASIA-PACIFIC ZONE CHAMPIONSHIP

INDONESIA

JAVY LIMPO

LITTLE RAZCALS

MARTY RANADA

MUSTANG WORLD SERIES

PILIPINAS

SI JUSTINE BIEKER

SINGAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with