^

PSN Palaro

Nuggets dinurog ang Heat

-

DENVER--Umiskor si reserve J.R. Smith ng 28 points at nagdagdag naman ng 21 si Carmelo An­thony para tulungan ang Denver Nuggets sa 130-102 panalo konta Mia­mi Heat na hindi nakuha ang serbisyo ni LeBron James.

Nanggaling ang Nuggets sa isang 34-point win sa Phoenix Suns kamakalawa.

Ang paglipat ni Anthony sa New Jersey Nets ang patuloy na gumugulo sa isipan ng mga Nuggets.

Tumipa si Chris Bosh ng 24 points para sa Heat, habang may 16 naman si Dwyane Wade.

Hindi nakalaro si James, may 25.4 points per game average, para sa Miami bunga ng kanyang sprained left ankle mula sa kanilang pagkatalo sa Los Angeles Clippers kamakailan.

Sa Oklahoma City, tumipa si Kevin Durant ng 36 puntos upang imando ang Thunder sa 125-124 panalo laban sa Orlando Magic at ilista ang kani­lang ikaapat na sunod na panalo.

Nagtala rin si Westbrook ng 13 assists at 10 rebounds sa itinalang highest-scoring game ng Thunder sa season.

Sa Minneapolis, patuloy na ipinagkait ng host team sa Washington Wizards ang pagsungkit ng panalo sa labas ng kanilang balwarte makaraang lasapin ang 109-97 kabiguan.

vuukle comment

CARMELO AN

CHRIS BOSH

DENVER NUGGETS

DWYANE WADE

KEVIN DURANT

LOS ANGELES CLIPPERS

NEW JERSEY NETS

ORLANDO MAGIC

PHOENIX SUNS

SA MINNEAPOLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with