^

PSN Palaro

PABA inimbitahan ng Japan para sa umpire schooling

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Pinagtibay pa ng Pilipinas at Japan ang kanilang relasyon sa larangan ng baseball nang muling imbitahin ng Baseball Federation of Japan ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) para dumalo sa 53rd BFJ/JABA Umpire Schooling sa Kashiwa City, Chiba, Japan sa Pebrero 18-20.

Ang Pilipinas ay isa lamang sa limang bansa na inim­bitahan para sa clinic na magiging libre sa mga dayuhang da­dalo na ipinaabot ni BFJ secretary Yutaka Shibata sa pa­munuan ng PABA.

Bukod sa Pilipinas, inimbitahan rin ang Chinese Baseball Association, Indonesia Amateur Baseball and Softball Federation, Pakistan Federation Baseball at Amateur Baseball Association of Thailand.

“The Umpire school, thanks to the cooperation of participating Federations, has served to deepen relationship among umpires of BFA member Federations, promote skills and standardize umpiring. The 5 umpires from overseas will meet about 60 Japanese colleagues in this school and will have opportunity to exchange information and ideas,” wika ni Shibata.

Ang national player na si Fulgencio Rances ang siyang kakatawan sa bansa sa seminar na ito.

Ang national player na si Fulgencio Rances ang siyang inatasan para kumatawan sa bansa sa nasabing seminar.

 Ito ang magiging ikatlong pagkakataon na dadalo si Rances sa Umpire Schooling.

AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION OF THAILAND

ANG PILIPINAS

BASEBALL

BASEBALL FEDERATION OF JAPAN

CHINESE BASEBALL ASSOCIATION

FULGENCIO RANCES

INDONESIA AMATEUR BASEBALL AND SOFTBALL FEDERATION

KASHIWA CITY

PAKISTAN FEDERATION BASEBALL

UMPIRE SCHOOLING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with