^

PSN Palaro

2nd FIBA Asia Champions Cup sa Pinas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagbigay ng pakonsu­welo ang Fiba Asia sa Pi­lipinas nang igawad sa ban­sa ang hosting ng 22nd FIBA Asia Champions Cup na ilalarga sa Mayo.

Mismong si Fiba Asia sec-gen Dato Yeoh Cho Hock ang siyang naglahad nito sa kanyang email sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Ito ang ikatlong pagka­kataon na tatayo bilang punong abala ang Pilipinas sa Club championship na ito pero unang malaking hosting sapul nang nabuo ang SBP na pinamumunuan ng pangulong si Manuel V. Pangilinan.

“It’s a great opportunity for the SBP to welcome our Asian neighbors to our country after a long absen­ce and provide them a me­morable championship,” wika ni Pangilinan sa kanyang opisyal na pagtugon sa hosting.

Darating sa bansa si Fiba Asia deputy sec-gen Hagop Khajirian sa Enero 19 upang makakuha ng kon­kretong plano sa SBP patungkol sa hosting dahil hindi bababa sa sampung koponan ang inaasahang lalahok sa edisyong ito.

Ang pagpayag ng FIBA-Asia ay nangyari matapos hindi kinatigan ang bid ng Pilipinas na tumayo bilang host sa mahalagang FIBA Asia Men’s Championship na isa ring qualifying event para sa London Olympics.

Ang Wuhan, China ang siyang pinangalanan ng Fiba-Asia para siyang pagdausan ng kompetisyon na itinalaga mula Setyembre 15 hanggang 25 at kung saan ang magiging kam­peon ang siyang aabante sa London Games sa 2012.

Ang Gilas national team ang siyang kakatawan sa host country sa Cham­pions Cup.

ANG GILAS

ANG WUHAN

ASIA

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA MEN

DATO YEOH CHO HOCK

FIBA

FIBA ASIA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with