^

PSN Palaro

Nagawa sa sports, nais ni Garcia na i-report kay P-Noy

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Kung mapagbibigyan siya ay nais ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na mailahad kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III ang kasalukuyang estado ng Philippine sports.

Sinabi ni Garcia na gus­to niyang ipakita sa Pre­siden­te ang kanilang mga nagawa sapul nang mailuk­lok bilang mga bagong opisyales ng PSC noong Hulyo ng 2010.

“In his convenient time. We will follow this up and hopefully, we will be granted an audience to present the overall picture of the state of Philippine sports during the time that we have appointed up to the time that we will have an audience with him,” sabi ni Garcia kay Pangulong Aquino.

Si Garcia ang pumalit kay Harry Angping bi­lang chairman ng sports commis­sion kasunod ang pagkakatalaga kina Chito Loyzaga, Akiko Thomson, Col. Buddy Andrada at Jolly Gomez bilang mga Commissioners.

Mula nang manumpa sa Malacañang ay hindi pa nakakausap muli ni Garcia si Presidente Aquino.

Ang kakulangan sa pon­do ang kasalukuyang suliranin ng sports commis­sion.

Isang pulong ang itinakda ni Garcia sa hanay ng mga National Sports Associations (NSA)s ngayong araw sa Manila Yatch Club sa Roxas Boulevard kung saan tatalakayin ang mga proposed budget ng mga ito para ngayong 2011.

AKIKO THOMSON

BUDDY ANDRADA

CHITO LOYZAGA

GARCIA

HARRY ANGPING

JOLLY GOMEZ

MANILA YATCH CLUB

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with