^

PSN Palaro

Junior Altas hinataw ang 9th na dikit na panalo sa NCAA volleyfest

-

MANILA, Philippines - Sinandigan ng nagde-depensang University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) si Isaac Visaya upang talunin ang Emilio Aguinaldo College (EAC) sa semifinal round ng 86th National Collegiate Athletics Association (NCAA) juniors’ volleyball tournament sa Letran College Gymnasium sa Intramuros.

Umabante ang Junior Altas ni head coach Miguel Rafael sa finals nang igupo ang Brigadiers via straight sets, 25-14, 25-20, 25-23.

Inasahan rin ng Perpe-tual si ace spiker Philip Bagalay sa third set upang muling igupo ang EAC sa ikalawang pagkakataon matapos umiskor ng 25-16, 25-17, 22-25, 25-12 sa elimination round.

Pinuri rin ni Rafael sina 2010 MVP John Erickson Francisco, Joel Brito, Andro Diomangay, Jherald Martinez at libero Louie Chavez.

Tinapos ng Junior Altas ang kanilang laro ng Brigadiers sa loob ng 58 minuto kung saan ha­ngad ng Dr./Col Antonio Tamayo-owned university ang kanilang back-to-back championship.

Makakasagupa ng Las Piñas City-based junior wallopers sa finals ang 20­10 runner-up SSC-R Staglets bukas ng alas-2 ng hapon sa Letran Gymnasium sa Intramuros, Manila matapos ang labanan ng EAC at Arellano University sa ala-1.

ANDRO DIOMANGAY

ARELLANO UNIVERSITY

COL ANTONIO TAMAYO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

INTRAMUROS

ISAAC VISAYA

JOEL BRITO

JOHN ERICKSON FRANCISCO

JUNIOR ALTAS

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with