Aeroflot Chessfest isusunod ni Gomez
MANILA, Philippines - Matapos kumampanya sa 1st HD Bank Chess Championship sa Ho Chi Minh City, Vietnam, puntirya naman ni GM John Paul Gomez ang 2011 Aeroflot Open chess championship na gaganapin sa Pebrero 7-18 sa Moscow, Russia.
Matatandaang tumapos lamang ng ikatlong puwesto si Gomez sa Vietnam nang mabigo sa ninth at final round laban kay GM Nguyen Ngoc Truong Son, na tinanghal na 2005 Manila Southeast Asian Games most bemedalled athlete na nagsubi ng limang ginto.
“It’s a new challenge for me,” sabi ni Gomez, na nakatakdang dumating bukas.
Bukod kay Gomez, magdadala rin sa kampanya ng Pilipinas ang mga kapwa GMs na sina Darwin Laylo at Roland Salvador, IMs Richard Bitoon at Oliver Barbosa at youthful reigning RP junior champion Paulo Bersamina.
Sina Gomez, Laylo at Salvador ay lalaban sa Category A para sa players na may ELO rating na mas mataas sa 2549.
Nakalaan sa nasabing torneo ang kabuuang premyo na 70,000 euro na ang magka-kampeon ay mag-uuwi ng lion’s share na 20,000 euro. Ang runner-up ay tatanggap naman ng 10,000 euro at ang third placer ay 7,000 euro.
Bukod sa cash prize, pagkakalooban ang kampeon ng outright invitation para sa prestihiyosong Dortmund round-robin tournament kung saan ang top player ng bansa na si GM Wesley So ang siyang nagbulsa ng junior plum.
Kabilang sa early entries ay sina GM Sergei Movsesian ng Slovakia (2723), GM Baadur Jobava ng Georgia (2710), GM Gata Kamsky ng United States (2705), GM Le Quang Liem ng Vietnam (2694), GM Viktor Bologan ng Moldova (2690), GM Artyom Timofeev at GM Alexander Rianzantsev ng Russia (2686) at GM Rustam Kasimdzhanov ng Uzbekistan (2685).
- Latest
- Trending