^

PSN Palaro

POC hindi makikialam sa pulong ng PSC sa mga NSAs bukas

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Philip­pine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. na magiging maganda ang kalalabasan ng nakatakdang pakikipag-usap ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga National Sports Associations (NSAs) bukas sa Manila Yatch Club sa Roxas Boulevard.

Sinabi ni Cojuangco na hindi siya makikialam sa PSC hinggil sa pakikipagpulong nito sa mga NSAs.

“If there’s enough that I know of, pero kung kulang ay dadagdagan ko,” ani Cojuangco. “But my intention of attending there is just to listen.”

Ihahayag ng mga NSAs ang kanilang proposed budget para sa taong ito bilang paghahanda sa 2011 Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia sa Nobyembre 11.

Pinakiusapan na ni PSC chairman Richie Garcia ang mga NSAs na maging ‘realistic’ sa pagbibigay ng kanilang mga panukalang pondo.

“May dalawang NSAs na mag-submit ng kanilang proposed budget na P40 million,” naunang pahayag ni Garcia. “Ang sabi ko sa kanila na be more rea­listic dahil hindi naman natin kaya ‘yung ganoon kala­­­­­king pondong hinihingi nila.”

Maliban sa 2011 SEA Games, popondohan rin ng komisyon ang mga qua­lifying tournaments na la­lahukan ng mga national ath­letes.

Ito ay para sa 2012 Olym­pic Games sa London, England. 

COJUANGCO

MANILA YATCH CLUB

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

ROXAS BOULEVARD

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with