Donaire hinugot si Rios bilang sparmate

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda sa kanyang paghahamon kay Mexican world bantamweight champion Fernando “Cochulito” Montiel, isang Mexican fighter rin ang kinuha ng kampo ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. bilang sparmate.

Hinugot ni Mexican trai­ner Robert Garcia si top lightweight contender Brandon ‘Bam-Bam’ Rios para sa preparasyon ni Donaire laban kay Montiel.

Ito ay para sa kani­lang world bantamweight cham­pionship fight na na­katakda sa Pebrero 19 sa Mandalay Bay sa Las Ve­gas, Nevada.

Magkasama na sina Do­naire at Rios sa roadwork at track and field runs at sabay ring sumasailalim sa hypoxic training sa ilalim ng SNAC ni Victor Conte.

Itataya ni Montiel ang kan­yang mga suot na World Boxing Council (WBC) at World Boxing Or­ganization (WBO) ban­tam­weight titles laban kay Do­naire.

Ibabandera ng 33-anyos na si Montiel, tinalo na sina Filipino challengers Z “The Dream” Gorres at Ciso “Kid Terrible” Morales, ang 43-2-2 win-loss-draw ring record kasama ang 33 KOs, la­ban sa 28-anyos na si Donaire (25-1-0, 17 KOs).

Sapul noong 2006 ay pa­nay panalo ang nakuha ni Montiel kung saan walo sa kanyang huling 10 laban ay sa pamamagitan ng stop­page.

Layunin ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire na ma­agaw kay Montiel ang mga hawak nitong WBC at WBO bantamweight belts sa likod ng kanyang nine-year, 24-fight winning streak.

Pinahinto ni Donaire si dating world bantamweight king Wladimir Sido­renko via fourth-round TKO sa kanyang huling laban noong Dis­yembre 4, 2010.

Si Donaire ang uma­gaw sa International Bo­xing Organization (IBO) at International Boxing Fede­ration (IBF) flyweight titles ni Vic Darchinyan.

Show comments