VIETNAM - Nagtapos bilang third-placer si Filipino Grandmaster (GM) John Paul Gomez sa pagsasara ng 1st HD Bank Chess Championships kahapon dito sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Nagsulong ang Biñan-based na si Gomez ng 6.5 points mula sa kanyang 5 wins, 3 draws at 1 loss sa siyam niyang asignatura.
Nasikwat ni Gomez ang ikatlong puwesto galing sa kanyang superior tie-break laban kina GM Le Quang Liem at GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam at GM Zhou Weiqi at Xiu Deshun ng China.
Sa ninth at final round, natalo si Gomez kay Ngoc Truong.
Inangkin naman ni GM Yu Yangyi ng China ang korona mula sa kanyang superior quotient kontra sa kababayang si GM Wen Yang.
Nakipag-draw si GM Yu Yangyi kay GM Le Quang Liem, habang binigo naman ni GM Wen Yang si FM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.