GM Gomez at GM Wen nag-draw para sa unahan

VIETNAM--Nakipagkasundo si GM John Paul Go­mez sa isa pang panibagong draw laban kay GM Wen Yang ng China upang patuloy na makisalo sa liderato kay GM Yu Yangyi ng China sa seventh round ng 2011 HD Bank Cup Open chess championship sa five-star Rex Hotel dito nitong Sabado ng gabi.

Naghatian sa puntos sina Gomez, nanalo sa kanyang unang limang asignatura at si Wen sa kanilang inaasam na top board encounter.

At ang nasabing draw ay sapat na para kay Yu na makasalo si Gomez sa pangunguna taglay ang tig-anim na puntos na mayroon pang dalawang rounds na nalalabi sa prestihiyosong, 74-player tournament.

Show comments