Mabigat na laban ang haharapin ng St. Clare vs UE sa NCBL
MANILA, Philippines - Matapos ang isang two-week holiday break, magbabalik ang aksyon sa National Collegiate Billiards League (NCBL) bukas sa Star Billiards Center sa Quezon City.
Nangunguna sa 19-team field mula sa kanilang 29 points, haharapin ng St. Clare Colleges ang fourth-running University of the East.
Katabla ng UE ang National University sa magkatulad nilang 26 points at susunod na makakalaban ang Letran (23 points) at 14th-running Mapua (13 points).
Nagwakas ang 11 game-winning run ng Saints noong Disyembre 19 nang matalo sa Tamaraws, 1-2, na may 28 points.
Itataya naman ng FEU ang kanilang nine-game winning streak sa pakikipagtagpo sa Letran at San Sebastian, katabla ang Fatima sa 11th spot sa magkapareho nilang 16 points, at University of Manila.
Sa nakatayang apat na semifinals berth, pilit namang tatalunin ng third-running Philippine Maritime Institute (27 points) ang Jose Rizal University (23 points).
- Latest
- Trending