^

PSN Palaro

Santos PBAPC Top Performer

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bago ang inaasam na Best Player of the Confe­rence, ang Rain or Shine-PBA Philippine Cup Elims/Quarters Top Performer Award muna ang nakamit ni Arwind Santos ng San Miguel.

Mula sa kanyang avera­ge na league-best 34.7 sta­tistical points sa classification stage at 16.6 points at 9.1 rebounds per game sa 15 laro ng Beermen, kinilala si Santos bilang Top Performer.

Nakasama ng 6-foot-3 na si Santos si 2009 win­ner Ranidel de Ocam­po ng Talk ‘N Tex sa naka­tang­gap ng nasabing pa­rangal para sa isang best performer sa Philippine Cup.

Kasagupa ng San Mi­guel ang Barangay Gine­bra sa best-of-seven semifinals series ng Philippine Cup.

Para sa Best Player of the Conference race, nasa ilalim ng 34.7 SP average ni Santos sina Joe Devance (34.5 SPs) ng Alaska, Harvey Carey (34.4) ng Talk ‘N Text, Jay Washington (34.1 SPs) ng San Miguel, Rudy Hatfield (30.6 SPs) ng Ginebra, Ali Peek (30.2) at Jimmy Alapag (30.0 SPs) ng Talk ‘N Text, Mac Cardona (29.7 SPs) ng Meralco at Kelly Williams (29.5 SPs) ng Talk ‘N Text.

Ang 6’4 na si Hatfield, ang 2003 Reinforced Conference BPC winner habang naglalaro para sa Co­ca-Cola, ang tanging Gi­nebra player na nasa top 10.

Iginawad nina PBA Commissioner Chito Salud, PBA Vice Chairman Mert Mondragon ng Rain or Shine at GMANews.TV Rey Joble ang naturang award.

ALI PEEK

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINE

BEST PLAYER OF THE CONFE

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

COMMISSIONER CHITO SALUD

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with