Homecourt advantage sasamantalahin ng Pinoy vs Japan
MANILA, Philippines – Hanggat kayang samantalahin ang ‘homecourt advantage’ ay gagawin ito ng Philippine Lawn Tennis Association (Philta).
Upang mapagabal ang laro ng Japan laban sa Philippine team, pinili ng Philta ang indoor clay court ng five-star Plantation Bay Resorts sa Mactan, Cebu.
“Bawian naman natin sila. This time around they will be playing in our homecourt, and we really have a big chance since gagawin natin ito sa Cebu,” sabi ni Philta administrator Randy Villanueva.
Maghaharap ang mga Pinoy at Japanese netters para sa Davis Cup World Group 1 tie sa Marso 4-6 kung saan hawak ng Japan ang 17-9 rekord sa kanilang head-to-head match ng RP Team sa kanilang 26 na paghaharap sa Davis Cup.
Tinalo ng Japan ang Philippines, 5-0, sa Osaka sa kanilang huling pagtatagpo sa David Cup World Group tie.
Huling nanalo ang Nationals sa Japan 15 taon na ang nakararaan sa Maynila sa isang shell court.
Kung mananalo ang mga Pinoy sa mga Japanese ay makakalaban nila ang mananaig sa pagitan ng Australia-Chinese-Taipei tie na nakatakda sa Mayo 7-9. Sakaling magtagumpay, aabante ang Nationals sa World Group na huling nangyari noong 1991.
- Latest
- Trending